|
If you're new here, you may want to subscribe to my RSS feed. Thanks for visiting! Wala pang isang linggo ang bagong taong pero nagimbal na tayo ng mga nakakagulat na balita. Ang latest? Buntis ang Starstruck Survivor na si Jennylyn Mercado! Wala pang 21 years old ang batang aktres kaya marami ang nanghinayang sa kanyang kondisyon. Ayon sa source ng PEP, six weeks and two days ng buntis si Jennylyn Mercado, courtesy of Patrick Garcia, ang kanyang boyfriend. Nagpa checkup ang dalawa sa St. Luke’s Hospital kanina at doon na talagang nakumpirma ang pagbubuntis. Ayon kay Patrick, pananagutan niya ang dinadala ni Jen. Kanina ngang umaga ay nasa Makati City Hall sila para komunsulta sa nalalapit nilang pagpapakasal. Ayaw kasi ni Pat na lumabas ang bata na hindi pa sila kasal ni Jennylyn Mercado. Ang problema na lang ay ang petsa sa kanilang kasal dahil sa October 9 ang kasal ni Cheska Garcia (kapatid ni Patrick) sa basketbolistang si Doug Kramer. Kung matutuloy ang pagpapakasal nina Pat at Jen ay magiging sukob ang kasal ng magkapatid na Cheska at Patrick. Naku naman! Pano na itoh??
|